Skip to main content

Stan Kabuhayan Negosyo Kit


Ikaw ba ay nagmamay-ari ng Sari-sari store at nangangailangan ng pandagdag pangkabuhayan?
Kung oo, halina’t sumali sa STAN-Kabuhayan Livelihood Assistance Program na isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.
Upang makasali, narito ang mga kinakailangang gawin:
1. Kumpletuhin ang mga sumusunod na dokumento:
– Photocopy ng DTI Business Name Certificate
– Photocopy ng Barangay Permit o Mayor’s Permit (kinakailangan ipresenta ang mga photocopy ng Brgy. permit o Mayor’s permit mula sa taong 2023 at 2024 bilang patunay na 1 taon na ang operasyon ng iyong Sari-sari store)
– Printed copy ng Litrato ng Sari-sari store kasama ang may-ari ng tindahan
2. Ipasa ang photocopy ng mga dokumentong nabanggit sa pinakamalapit na STAN Satellite Office o DTI Negosyo Center sa inyong lugar mula July 3-14, 2024.
Mangyaring magdala ng alinman sa mga sumusunod na Valid IDs upang maberipika ang inyong pagkakakilanlan:
– National ID
– Solo Parent ID
– Senior Citizen ID
– TIN ID
– PWD ID
– at iba pang Government issued IDs
Samantala, priyoridad na mabigyan ang mga Sari-sari store owners na Senior Citizen, Solo Parents, Persons with Disabilities (PWDs) at Out-of-School youths ngunit maaari pa ring magpasa at mapili ang mga Sari-sari store owners na hindi nabibilang sa mga nabanggit na sektor.
Kaya ano pang inaantay mo? Sumali na at baka ikaw ang isa sa mga maswerteng makakatanggap ng STAN-Kabuhayan Negosyo Package.