Skip to main content

PANAWAGAN: Sa mga hindi pa po nakakapagparehistro para sa National ID


PANAWAGAN!
Sa mga hindi pa po nakakapagparehistro para sa National ID, mangyari pong magtungo sa Evacuation Center ng munisipyo, Lunes hanggang Sabado (8am-3pm).
Malapit na po itong matapos sa ating bayan kaya po inaasahang makapagparehistro ang lahat.
Samantalahin po natin na ang programa ay nasa sarili pa nating bayan ng minimal lamang po ang ating gastos sa pamasahe at maigsing oras lamang ang ating mailalaan. Hindi na po kailangang magbiyahe patungo sa ibang bayan at inilapit na po sa atin ang serbisyong ito.
Magtulungan po tayo para maiparating sa ating mga kabarangay ang pagpaparehistro para sa National ID.
SALAMAT po!