Ngayong hapon ay nagsimulang ipamahagi ng Pantawid Pamilya Agdangan ang mga black shoes kasama si Ginang Sally Duarte, MSWD Officer sa Barangay Poblacion I at Poblacion II. Isa ang Bayan ng Agdangan, Quezon 4304 sa mga mapalad na Munisipalidad na pinagkalooban ng SM Foundation, Inc. ng mga nasabing sapatos.
Nakakatuwa na sa bawat pagtanggap ng mga Bata at mga magulang ay may mga ngiti sa kanilang mga mukha sapagkat hindi na sila bibili ng bagong sapatos sa paaralan at may magagamit narin sa kanilang graduation. Tunay nga na nakakagalak ang bukal sa pusong pagbibigay sa tao malaki man ito o maliit. Muli ay marami pong salamat.
#PantawidPamilya #SMFoundation #OneAgdangan🥇