Skip to main content

MFARMC Meeting Together with PNP Maritime


Naging panauhin sa pulong ng MFARMC kasama ang ating kagawaran sa pangunguna ni MA- Joemar Baquir Salagubang ang tatlong kawani ng PNP Maritime, Lucena City. Dito ay inilahad ng panauhin ang mga batas pang dagat na ipinapairal ng kanilang tanggapan.
Naging bunga ng pulong na ito ang kakatapus lang na isang lingong aktibidad ng ating kagawaran, ang unang hakbang para irehistro sa BOAT R ng BFAR ang lahat ng bangka sa ating limang barangay sa baybayin. Basi sa naging team leader na si Ms. Almira Mendoza, mahigit apat na daang (400) bangkang di-motor at hindi di-motor ang nakuhanan ng mga kaukulang detalye para dito.
Ang hakbang din na ito ang maaring maging gabay ng ating kagawaran at ng ating minamahal na Punong Bayan Rhadam P. Aguilar para sa mga interbensyong maaring ibigay sa ating mga mangingisda mula sa pundong nakamit ng ating bayan sa programa ng BFAR na Malinis at Masaganang Karagatan (MMK)
SALAMAT: PNP Maritime