Skip to main content

Isang pagbati para sa mga kawani na pumasa sa Licensure Examination for Teachers


Isang pagbati para sa mga kawani at mga naging bahagi natin sa paglilingkuran sa ating lokal na pamahalaan.

Mapagpalang Taon!
Bago matapos ang taong 2022 malaking biyaya ang natanggap ng ating kapwa lingkod bayan. Dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi, nakamit nila ang tagumpay at naipasa ang Licensure Examination for Teachers. Hangad namin ang inyong patuloy na pagtatagumpay sa inyong mga karera, baunin nyo nawa lahat ng aral at pagmamahal mula sa ating tanggapan at sa buong pamahalaang Bayan ng Agdangan.