April 28, 2022
Sa pakikipag-ugnayan ng ating lokal na pamahalaan ng Agdangan, Quezon 4304 sa pamamagitan ng Kagawaran ng Pagsasaka na pinangungunahan ng ating Municipal Agriculturist- Joemar Baquir Salagubang. Namahagi ng mahigit 70 gallon ng Disinfectant para sa mga magbababoy na Agdanganin. Ito ay isang hakbang ng lokal na pamahalaan katuwang ang DA-Region 4A- Livestock Program upang patuloy na makaiwas ang ating bayan sa kumakalat na sakit ng baboy na ASF.
Salamat: DA-Region 4A- Livestock Program