Kaninang umaga ay ipinamahagi ng Sustainable Livelihood Program sa mga benepisyaryo ng LAG ang puhunan para sa kanilang napiling negosyo at pandagdag sa kanilang hanap-buhay. Ito ay naglalayong tulungang makapagbigay ng kapital at palaguin ang kanilang mga napiling pagkakakitaan.
Nagbigay naman ng isang mensahe ang butihing Punong Bayan ng Lgu Agdangan Agdangan, Quezon 4304 Mayor Rhadam P. Aguilar tungkul sa pag papaalala at inspirasyon na ang kanilang natanggap na tulong pinansyal mula sa nasyonal na pamahalaan ay kanilang pagsumikapang palaguin upang higit na makatulong sa pag- unlad ng kanilang pamilya.
Mayroong 43 benepisyaro ng Pantawid Pamilya at 28 mula sa sector ng Persons with Disability na siyang inilapit ng Pantawid Pamilya Agdangan at Mswdo Agdangan sa pangunguna ni Gng. Sally Duarte, MSWD Officer upang sila ay magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan.
Inaasahan na ang mga Benepisyaro ng LAG ay pagsusumukapang palaguin ang nabanggit na puhunan na siyang titiyaking alalayan at tututukan ng Sustainable Livelihood Program.
#OneAgdangan🥇