Awarding Ceremony of Project AnGKoP Season 2 “ANGKOP NA GULAY PARA SA KOMUNIDAD AT PAMILYA”


Nung nakaraang biyernes ay ininbitahan ang Pantawid Pamilya ng Elias A. Salvador Nhs para sa paggagawad ng seremonya sa Ilayang Kinagunan kasama ang mga benepisyaro sa nasabing Barangay. Ang project AnGKoP ay isang inisyatibo ng paaralan kasama ang Pantawid Pamilya upang isulong ang Gulayan sa Barangay. Dito nahihikayat ang bawat isa na magtanim kung saan ang mga gulay na bunga ay maaaring pitasin at magamit ng bawat pamilyang nakilahok. Sa ganon, ay makakatulong ng malaki upang magkaroon ng pagkaen sa hapag kainan at upang hindi na bumili at gumastos pa.
Lubos na nagpapasalamat ang Pantawid Pamilya kay Bb. Aiza Paras Limbo, Teacher na siyang kinatawan ng nasabing aktibidad. Makakaasa na ang 4P’s ay susuporta sa ano mang uri ng ganitong Gawain.
#OneAgdangan🥇 Lgu Agdangan Agdangan, Quezon 4304 Mswdo Agdangan

« of 2 »

© Municipality of Agdangan, Province of Quezon. All rights reserved. 
Powered by: