Paglalagay ng 72 Giant Clams sa Marine Protected Areas sa ating bayan


Ang Agdangan ang nag-iisang bayan sa buong CALABARZON na nabiyayaan ng Philippine Rural Development Project ng isang espesyal na proyekto na magkakaroon ng malaki at positibong epekto sa ating agrikulturang pandagat at turismo.
Ano ang proyektong ito?
Paglalagay ng 72 Giant Clams sa Marine Protected Areas sa ating bayan (Bahurang Silag at Lawis Reef ).
Ano ang Giant Clams?
Ang mga Giant Clams o Tridacna Gigas ay tinaguriang FILTER-FEEDERS, ibig sabihin nakakatulong sila sa paglilinis ng tubig sa ating karagatan. Tumutulong din sila sa patuloy na pagdami ng mga coral reefs. Nagbibigay rin sila ng pagkain at kanlungan sa maraming organismo sa ilalim ng karagatan.
Ibig sabihin, lalong magiging produktibo ang ating karagatan at maaaring makahikayat din ang mga ito sa mga turista upang dayuhin ang ating bayan.
#DA
#PRDP
#MAO
#BantayDagat
#Agdanganin
#2020

https://www.facebook.com/101412639180279/videos/1673748836319945


© Municipality of Agdangan, Province of Quezon. All rights reserved. 
Powered by: