Skip to main content

Agdangan Covid-19 Updates As of May 12, 2023


SA BISA NG IATF RESOLUTION NO. 6-C, SERIES OF 2023, NA NAGTAKDA SA BAYAN NG AGDANGAN SA PANANATILI SA ALERT LEVEL 2, MAIGTING PA RIN PONG PINAG-IINGAT ANG BAWAT ISA SA BANTA NG COVID-19.
HINDI PA PO GANAP NA NAWAWALA ANG VIRUS KAYA NGA PO MAHALAGA PA RING ALAMIN ANG MGA PANGUNAHING PAMAMARAAN UPANG MAKAIWAS SA SAKIT NA ITO.
HUWAG KALIMUTAN ANG PALAGIANG PAGHUHUGAS NG KAMAY; PAGSUSUOT NG FACE MASK SA PAMPUBLIKONG LUGAR LALO NA KUNG MAY CO-MORBIDITY; AT SIGURUHING MAY DISTANSYANG ISANG METRO MULA SA KAUSAP/KAHARAP.
KAUGNAY PO NITO, SA KASALUKUYAN AY NAKAPAGTALA TAYO NG DALAWANG (2) BAGONG KASO NG MAY COVID-19 SA ATING PAMAYANAN.
KUNG MAY MGA NAKIKITAAN NG MGA SINTOMAS NG COVID-19 SA ATING NASASAKUPAN, MANGYARI PONG IPAGBIGAY-ALAM ITO SA INYONG BARANGAY HEALTH EMERGENCY RESPONSE TEAM (BHERT) PARA SA KAUKULANG AKSYON, O DI KAYA AY TUMAWAG SA RHU HOTLINE 0939-484-3777 O 0963-598-8188.